Ni: PNA
INILUNSAD ang apela para makakakalap ng 1,500 pirma sa isang petition website upang isalba ang matatandang puno ng Acacia mula sa planong P30-bilyon six-lane road widening project ng pamahalaan ng Palawan.
Ipinakilala bilang “Please Save Palawan’s Acacia Tunnel”, ipinost ang online petition sa Change.org apat na araw na ang nakalipas, at 131 pirma na lamang ang kailangan upang maabot ang nais na bilang.
Ang petisyon ay para sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan, sa mga opisyal ng gobyerno, sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), at sa mga lokal na opisyal ng Puerto Princesa City.
Ang hilera ng age-old angiosperms ay naging popular na atraksiyon sa mga dayuhan, na nakatayo mula sa Barangay Irawan hanggang sa Barangay Inagawan sa Puerto Princesa, at nagmumukha itong underground passage.
Sa katunayan, dahil sa pagiging popular nito sa mga dayuhan at residente ng probinsiya, tinagurian na itong “Acacia Tunnel.”
Ayon sa online signature petition, ang proyektong pagpapalawak ng kalsada “has been approved to boost the economy of Palawan,” at naglaan ang DPWH ng R30 bilyon para sa katuparan nito.
Kahit na magkapagdudulot ng mabilis na pagbiyahe ang itatayong superhighway mula sa timog hanggang hilagang Palawan, sinabi ng petitioner na si Medy Beroy na karapat-dapat lamang isalba ang mga puno ng Acacia dahil maaaring ang nasa bansa ay isa sa “largest Acacia canopies in the world.”
“Local and foreign tourists, as well as commuters, who pass through the Acacia tunnel are in awe of its breathtaking beauty. The pure, clean air of oxygen in an aircon-like atmosphere is priceless,” pahayag ni Beroy.
Upang maiwasan ang pagkasira, iminungkahi ng petitioner na gawing Acacia Tunnel National Park ang naturang lugar.
“There are various ways on how to protect the Acacia Tunnel, not just for us but for our future generations,” aniya.
Isinangguni rin niya na maaaring gawing tunnel ang superhighway o kaya naman ay gawing katulad ng Metro Rail Transit (MRT) na matatagpuan sa malalaking lungsod upang maiwasan ang pagkasira ng mga puno ng Acacia.
“Destroying millions and millions of trees in Acacia Tunnel would cause deforestation that adds to global warming and climate change. We already have enough trouble due to pollution. Growing trees and vegetation is the only way to remove carbon dioxide in the atmosphere,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi ni DENR Palawan chief Felizardo Cayatoc sa isang panayam na kailangan ang pagtanggap ng taumbayan bago maisagawa ang pagpapalawak sa kalsada.