Ni: Fer Taboy

Patay ang isang lalaki na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip nang malunod matapos tumalon mula sa sinasakyang barko, sa gitna ng laot sa Sta. Cruz Island sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasawi na si Jainal Gappal, 45, ng Barangay Matatag, Lamitan City, Basilan.

Batay sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), sakay si Gappal sa M/V Kristel Jane 5 patungong Basilan nang bigla itong tumalon sa gitna ng laot sa Sta.Cruz Island.

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City

Humingi ng tulong ang kapitan ng barko sa Philippine Coast Guard (PCG), na kaagad na rumesponde subalit patay na si Gappal.

Ayon sa tiyahin ni Gappal na si Laina Mansan, 69, may mental disorder ang kanyang pamangkin at kagagaling lamang nila sa ospital sa Zamboanga City para sa check-up nito.