Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Patay ang isang 54-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng umano’y nakaalitan sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Purok 4, Barangay Sumacab Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Naisugod naman sa Nueva Ecija Doctors’ Hospital pero dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Aquino Pablo y Ramos, ng Brgy. Sumacab Norte.

Sinabi naman ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, na pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek na si Walter Manabat, na nakainuman ni Pablo.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Nabatid sa imbestigasyon na bandang 7:00 ng gabi nitong Sabado at nakikipag-inuman si Pablo sa mga kaibigan sa bahay ni Saturnina Manabat nang biglang lapitan at barilin ni Manabat.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na sinasabing may matagal nang alitan sa biktima.