Ni: Reggee Bonoan

AKALA namin, dedma sa mga isyu sa showbiz ang sosyal at kilalang personalidad lalo na kapag hindi naman siya involved at ang pamilya niya.

Wala rin siyang pakialam sa mga celebrity na nagkakagulo o nagpaparunggitan dahil sa mga bagay-bagay na hindi napagkakasunduan.

Sa madaling sabi, hindi siya umeepal o nakikisawsaw sa hindi niya gulo.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Tinawag namin siyang sosyal dahil sosi talaga siya literally and figuratively. Paano ba naman, lahat ng suot o gamit niya mula ulo hanggang talampakan ay branded isama pa ang buong bahay at mga laman nito. Pabalik-balik din siya sa iba’t ibang bansa na tipong sa magkakaibang lugar nag-aalmusal, nagtatanghalian, nagmemeryenda at naghahapunan. Of course, piling-pili rin ang mga sosyal na shopping mall, gym, spa at beach na kanyang pinupuntahan para mag-shopping o magpahinga.

Pero may kakaibang drama pala ang sosyal at kilalang personalidad, nuknukan pala siya ng pagkatsismosa as in to the maximum level. Sa totoo lang, hindi namin akalain na makati rin ang dila niya kasi nga prim and proper kapag nakikita namin sa showbiz events.

Kaya pala iritang-irita ang kilalang negosyante sa sosyal at kilalang personalidad dahil alam niyang itsinitsismis at sinisiraan siya nito. Ang problema, kung anu-ano ang iniimbento nitong kuwento na hindi naman totoo.

Nagsimula raw ang paninira ng sosyal at kilalang personalidad sa kilalang negosyante nu’ng gusto nitong sumosyo sa negosyo para may pang-corporate image pero tinanggihan siya ng huli. Ang katwiran, sabi ng spy namin, “Hindi naman kailangan ni _____ (kilalang negosyante) dahil boom na boom ang negosyo niya at marami pang sangay sa ibang bansa at sa katunayan ay maraming events na mangyayari sa mga negosyo ng negosyante dahil nakipag-tie up ito sa kilalang produkto sa ibang bansa.”

Pero humanda ang sosing makati ang dila, dahil binabalak pala ng kilalang negosyante na kausapin ito para ipaalam na nakakarating sa kanya ang lahat ng mga kasinungalingan at imbentong tsismis na ikinakalat nito.