Ni: Gilbert Espeña

NAGRETRIO na si four-division world champion Juan Manuel Marquez ngunit nanggagalaiti pa rin ang kababayan niyang trainer na si Nacho Beristein sa pagwawagi ng Mexican boxer kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

May pahiwatig ding siya sa pagtanggi na kaya umatras si Marquez sa ikalimang laban dahil sa performance enhancing drugs (PEDs) sa tulong ng nasangkot sa anomalya na si Mexican Memo Heredia na umaming nagbigay ng ilegal na gamot sa mga gold medalist ng Amerika.

Inamin ni Beristein na nalungkot siya sa pagreretiro ni Marquez ngunit ipinagmamalaki niya na nanalo ito via knockouts kay Pacquiao noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He spoke to me very calmly but I did feel a touch of sadness and I was very pleased because I was waiting for some time [for Marquez to retire]. I did not like to see him make an effort to get to the weight,” sabi ni Beristein sa ESPN Deportes. “But he showed me that here in this ring that he was a complete athlete because he was training for four weeks and was fighting with welterweights.”

“I am completely proud to have been his coach from the beginning of his career to the very end, for his discipline, his character, for being a great fighter and a great friend,” diin ni Beristein sabay paliwanag sa panalo ni Marquez sa 6thround nang mapatulog ang Pinoy boxer.