Ni Jerome Lagunzad

Sunod-sunod na laro ng Perlas, matinding hamon sa SEA Games.

MABIGAT ang laban ng Perlas Pilipinas, ngunit kumpiyansa si National coach Patrick Aquino sa magiging kampanya ng koponan sa Southeast Asian Games sa Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

perlas copy

“Talagang dadaan tayo as butas ng karayom,” pahayag ng 46-anyos na si Aquino.

Sasabak ang Filipina cagers sa biennial meet bilang reigning SEABA Champion at miyembro ng Level 1 Group sa Asia and Oceania regions team status.

Gayunman, itinuturin ni Aquino na dehado ang koponan.

“We’re still the underdogs here,” sambit ni Aquino, mentor din sa UAAP three-time champion National University.

“But we’re having that usual approach: one game at a time. Kailangan andu’n yung focus namin on every game.”

Sisimulan ng Filipina ang kampanya laban sa Singapore sa Agosto 20 bago harapin ang Indonesia, pinangangasiwaan ngayon ng Korean coach, kasunod ang Myanmar sa Agosto 22.

Haharapin ng Perlas ang matikas na Thais sa August 23 ganap na 8:00 ng gabi at ilang oras lamang ang ipapahinga nila bago labanan ang defending champion at host Malaysia sa Agosto 24.

Huling laro ng Pinay sa preliminary round ang lightweight Vietnam sa Agosto 25.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Aquino na makakabangon ang Perlas mula sa ikaapat na puwesto sa 2015 editions ng SEA Games sa Singapore.

“I think this is the right time for us to get that gold (medal). We’ve been together for the last couple of years.

But we will still have to work doubly hard to achieve that goal. May doubts man pero siyempre pipilitin talaga namin,” aniya.

Pangungunahan ang Perlas nina one-time UAAP MVP Afril Bernardino, veteran Allana Lim at NU’s 6-foot-2 center Jack Animam.