LONDON (AP) — Pinatawan ng dalawang buwan na suspensiyon si dating French Open finalist Sara Errani matapos magpositibo sa ipinagbabawal na ‘letrozole’ sa isinagawang doping test nitong Pebrero, ayon sa pahayag ng International Tennis Federation nitong Lunes (Martes sa Manila).

Itinuro ni Errani na dahilan ang kontaminasyon sa medikasyon ng inalagaang ina na may breast cancer.

“I never took, in my life and during my career, any prohibited substance,” pahayag ni Errani sa inilabas na pahayag.

“I am extremely disappointed but at the same time at peace with my conscience and aware I haven’t done anything wrong.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa desisyon ng adjudication panel, tunay na pagkakamali ang dahilan sa pagpositibo ni Errani, ngunit kailangan pa rin niyang pagdusahan ang kamalian.

Awtomatikong inalis ang Italian star sa nilahukang torneo mula Pebrero 16 hanggang Hunyo 7. Sa loob ng naturang panahon, ang tanging matikas na performance niya ang makausad sa semifinal sa Rabat, Morocco nitong May. Nasibak siya sa second round ng Roland Garros.

Matatapos ang banned ni Errani sa Oct. 2.

Sumabak si Errani sa 2012 French Open final kung saan tinalo siya ni Maria Sharapova. Tangan ng 98th-ranked na si Errani ang siyam na singles title at 25 doubles title sa WTA career. Umabot siya sa pinakamataas na ranking na No.5 noong 2013.