Ni: PNA

ISANG bagong pag-aaral ang naglahad ng matibay na katibayan na ang mapanganib na uri ng mga kemikal na inilalagay sa mga kasangkapan sa bahay upang maiwasan ang pagkasunog, ang polybrominated diphenyl ethers, o PBDE, ay nakaaapekto sa katalinuhan ng mga bata, na nagreresulta sa pagbaba ng IQ points.

Inilathala nitong Linggo sa Environmental Health Perspectives, ang pag-aaral ay isinagawa ng mga mananaliksik ng University of California, San Francisco, at napag-alaman ng mga ito na may malaking ugnayan ang epekto ng PBDE sa katalinuhan ng mga bata, kabilang ang pinakamalaking children’s intelligence meta-analysis na gamit ang flame retardant.

Sinuri ng mga mananaliksik ang 3,000 pares ng ina at sanggol para sa pag-aaral, at nadiskubre na sa bawat 10 beses na pagtaas sa PBDE level ng ina ay bumababa naman ng 3.7 ang IQ points ng sanggol sa sinapupunan nito.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Kahit hindi gaanong malaki ang 3.7-point na pagbaba sa IQ ng mga bata, sinabi ng pangunahing may-akda na si Juleen Lam, associate research scientist sa Program on Reproductive Health and the Environment (PRHE) ng unibersidad, na kung mangyayari ito sa malaking populasyon, nangangahulugan ito na kailangan ng mga bata na maagang mailayo sa mga ito.

Dagdag pa, nakadiskubre rin ng ebidensiya ang mga mananaliksik sa ugnayan ng pagkakalantad sa PDBE sa sakit na attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).

Karaniwang matatagpuan ang PBDE sa mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.

Una itong ginamit matapos magpasa ang California sa Amerika ng safety standards para sa mga kasangkapan sa bahay at ilang produkto noong 1957. Dahil sa laki ng merkado ng estado, naging standard treatment na ang mga flame retardant para sa mga kasangkapang ibinebenta sa Amerika.

Nagpaskil ng mga panuntunan ang mga mananaliksik ng University of California, San Francisco sa PRHE website nito, upang maiwasan ng mga buntis ang PDBE.