NAKOPO ng Emilio Aguinaldo College ang ikalawang sunod na panalo nang maungusan ang Arellano University, 85-79, nitong Martes sa NCAA Season 93 men’s varsity elimination sa Filoil Flying V Center.
Naisalba ng Generals ang malamyang opensa sa huling 3:25 ng laro sa matibay na depensa at matikas na free throw shots para mailusot ang panalo.
Naisalpak ni Sydney Onwubere ang three-pointer para ibigay ang 79-68 bentahe sa Generals. Nagawang makabawi ng Chiefs sa matikas na 11-2 run para maidikit ang iskor sa 81-79 may 49.2 segundo sa laro.
Naisalpak nina Onwubere at Raymund Pascua ang free throw at naipuwersa ng depensa ni Kent Salado ang turnover sa Chiefs para maisalba ang panalo – ikatlo sa limang laro.
Laglag ang Arellano sa 2-4.