Ni REMY UMEREZ
MAS malaki at mas pinagandang World War II exhibit ang masasaksihan ngayong taon sa History Con in Manila ngayong Agosto 10-13 sa World Trade Center.
“Layunin ng Philippine Veterans Bank (PVB) na magkaroon ng awareness sa mga kabataan ang katapangan at sakripisyong ipinamalas ng mga bayaning Pilipino noong panahon ng giyera para matamo ang ating kalayaan. We are honored na maging kapartner ng History Asia at makalikha pa ng makabuluhang proyekto sa hinaharap,” pahayag ni PVB Chairman Roberto de Oampo, OBE.
Exciting ang History Exhibit sa taong ito. Bukod sa vintage photos, memorabilia at artifacts ay naka-display rin ang WWII M3 Stuart tank at actual na WWII jeep. Mararanasan kung ano ang pakiramdam ng pakikibahagi sa WWII sa pagsusuot ng WWII era uniform replicas bilang Amerian GI, Japanese Imperial soldier o Filipino guerilla.
Tampok din sa History Con ang line-up ng popular History personalities tulad ng Counting Cars, Horny Mike Henry, The Pickers Danielle Colby, Ride N Seeks, Jaime Dempsey at ang cast ng Celebrity Car Warslike na si Phoemela Baranda.