Ni REGGEE BONOAN

IMPRESSIVE ang first action movie ni AJ Muhlach na Double Barrel mula sa direksiyon ni Toto Natividad under Viva Films. Naipakita niya na deserving siyang maging action star.

Napanood namin ang pelikula sa premiere night nitong Lunes sa Robinson’s Galleria na dinaluhan ng ilang Viva talents.

AJ AT PHOEBE copy

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Marami nang napasukan si AJ, naging matinee idol, sumabak sa love team, naging miyembro ng dance group na XLR8 at sumubok maging dramatic actor, pero hindi siya tinanggap.

Sa ilang taong pananahimik, nag-isip siya kung ano talaga ang gusto niya sa buhay at kung ano ang career na tatahakin niya. Nag-aral siya ng Pekiti (Filipino Martial Arts) at nagdesisyon na gusto niyang maging action star.

Malaki ang naitulong ng training ni AJ sa Pekiti sa mga habulan at streetfight sa pelikula. Tigasin ang karakter niya sa pelikula bilang si Jeff na drug user at pusher at nang magkakahulihan ay tumakas at nagtatakbo sa bubungan na naka-brief lang at walang pakialam kung marami mang nanonood ng shooting.

Naka-brief lang, kasi katatapos lang nilang mag-sex ng asawa niya sa Double Barrel na si Phoebe Walker ng mag-sona ang mga pulis.

Sigurado kaming sisikat siyang action star dahil may angas ang dating niya at pati paghawak ng baril ay sisiw lang sa kanya.

Dahil misis o support lang si Phoebe sa Double Barrel kaya siguro hindi masyadong nabantayan ang acting niya dahil sa pilit ang eksenang umiiyak siya. Mas nagustuhan namin ang malalim na akting ng dalaga sa Seklusyon.

Pero hindi kinailangan ni Direk Toto ang matinding acting ni Phoebe dahil nga suporta lang siya, sa launching movie na lang niya siguro ilalabas.

Pero hinangaan namin si Phoebe sa mahusay niyang paghawak at pagpapaputok ng baril.

May anggulong hawig si Phoebe kay Wilma Doesnt dahil siguro pareho sila ng built ng katawan at kung tumingin, mas maputi lang ang una kumpara sa huli bukod pa sa kinky ang buhok nito.

Sa natural na pag-arte ni Ali Khatibi kami nagulat. Pulis na double-crosser ang role niya at siya ang kontrabida nina AJ at Jeric Raval. Ang sama-sama ng karakter niya rito.

Mukhang magaling na acting coach si Cristine Reyes. Inamin kasi ni Ali na ang asawa niya ang nagtuturo sa kanya ng tamang emosyon, tamang anggulo, kilos, galaw at kung paano tumingin at nagamit niyang lahat ito sa Double Barrel.

Sakto rin ang paghawak ng baril ni Ali, halatang pumuputok o lagi siyang nasa firing range, hindi gigil o may nerbyos.

Sana may follow-up action movies sina AJ at Ali dahil bagay talaga silang maging action star.

Sinadya naming hindi ikuwento ang istorya ng pelikula dahil ayaw naming i-preempt ang mga manonood. Pero ang sigurado kami, mag-i-enjoy ang mga kafatid sa sex scene nina AJ at Phoebe dahil pareho silang walang saplot.

Ngayong araw magbubukas sa mga sinehan nationwide ang Double Barrel.