Ni: Gilbert Espeña

MATAPOS ang matagal na paghihintay, inihayag ng Top Rank Incorporated na mabibigyan ng pagkakataon si world rated Filipino Genesis Servania na hamunin ang walang talong si WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico sa Setyembre 22 sa Convention Center, Tucson, California sa United States.

Nakabase ngayon sa Japan ang wala ring talong si Servania, kilala sa bansag na “Azukal” na natamo ang bakanteng WBO International featherweight title nang palasapin ng unang pagkatalo sa knockout ang kabababayang si Ralph John Lulu noong Abril 29, 2017 sa Sanyo Hall, Kanazawa, Ishikawa.

Nakalistang No. 4 contender si Servania kay Valdez at No. 7 kay IBF super bantamweight champion Yukinori Oguni ng Japan.

Matagal naging boksingero ng ALA Boxing Gym si Servania ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon sa world title bout kaya nagpasiya siyang magkampanya sa Japan at nagsalansan ng tatlong panalo bago mabigyan ng pagkakataong hamunin si Valdez.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

May kartada si Valdez na perpektong 22 panalo na pawang knockouts, samantalang si Servania ay may rekord na 29 panalo, tampok ang12 knockouts.