LOS ANGELES (AP) — Napatanyag si Conor McGregor dahil sa karismatikong katauhan, higit nang maitala ang hindi inaaasahang panalo laban sa noo’y UFC featherweight champion na si Jose Aldo.

Ngunit, sa larangan ng boxing, mismong si Aldo ang nagsabi na wala sa kalingkingan ni Floyd Mayweather, Jr. ang husay at abilidad ni McGregor.

Conor McGregor, right, taunts Floyd Mayweather Jr. while pausing for photos during a news conference at Staples Center on Tuesday, July 11, 2017, in Los Angeles. The two will fight in a boxing match in Las Vegas on Aug. 26. (AP Photo/Jae C. Hong)
Conor McGregor, right, taunts Floyd Mayweather Jr. while pausing for photos during a news conference at Staples Center on Tuesday, July 11, 2017, in Los Angeles. The two will fight in a boxing match in Las Vegas on Aug. 26. (AP Photo/Jae C. Hong)

“There is no way McGregor can defeat Mayweather,” pahayag ni Aldo. “Mayweather has done this his entire life, and it’s a different sport.”

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

Para kay Aldo, hindi boxing glory bagkus ang milyones ang nagtulak kay McGregor para ikasa ang duwelo sa undefeated boxing champion sa Aug. 26 sa Las Vegas.

“After the Mayweather fight, he’ll get lots of millions of dollars,” sambit ni Aldo. “Probably he’ll never fight again.”

Kinilala sa mundo ng UFC si Aldo bago naagaw ni McGregor ang atensiyon ng mixed martial arts fans nang magapi ang Brazilian star may ilang taon na ang nakalilipas. Naagaw ni McGregor ang titulo sa dominanteng knockout sa loob lamang ng 13 segundo.

Sa kabila ng impresibong panalo ni McGregor na tumapos sa 10-year winning streak ni Aldo, mangilan-gilan lamang ang naniniwala na makakasilat siya kay Mayweather (49-0), itinuturng ‘pound for pound’ champion sa kanyang henerasyon.

Ipinahayag ni McGregor na mapapatumba niya si Mayweather sa loob ng apat na rounds.

“It’s a joke. He’s just looking for the money,” sambit ni Aldo.

Nabigo si McGregor na maidepensa ang featherweight belt na nakuha niya kay Aldo, na nagawang mabawi ng Brazilian star sa panalo kontra Frankie Edgar sa nakalipas na taon. Muling nabitiwan ni Aldo ang titulo nang magapi ni Max Holloway nitong Hunyo.

“(McGregor) can say whatever he wants, but he was a lucky guy,” pahayag ni Aldo. “One punch and he finished it. No skills.”