Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang lalaki nang bumangga sa konkretong poste ng ilaw ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Tumana, Marikina City, nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan si Edgardo Casilac, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Tumana, dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Marikina City Police Traffic Division, nabatid na dakong 1:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Tumana Bridge sa Bgy. Tumana.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Nauna rito, sakay si Casilac sa kanyang motorsiklo nang pagsapit sa tulay ay mawalan ito ng kontrol at bumangga sa konkretong poste ng ilaw.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit nasawi rin.