Ni NORA CALDERON
CONGRATULATIONS muna kay Maine Mendoza and her family. Last Sunday, ginanap na ang blessing at soft opening ng kanyang franchise ng McDonalds sa Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan. Tinawag nila itong ‘good neighbors day’ dahil bisita ng pamilya nila ang kanilang mga kaibigan at neighbors.
Ang food chain ay sa ilalim ng pamamahala ng Mainedei Corporation (Maine Dei ang real name ni Maine). Sa Friday pa, August 11, ang grand opening nila at magkakaroon ng motorcade si Maine at ang kanyang staff around Sta. Maria, Bulacan, at 6:00 AM. Araw-araw ay may mga naka-schedule nang grupo ng fans ni Maine at AlDubs nila ni Alden Richards na bibisita sa food chain.
Isa pang pagbati kay Maine, dahil last Friday naman ay dumalo siya sa paanyaya ng Bureau of Internal Revenue, na kumilala sa kanya as the top taxpayer sa Region III ng Pilipinas na binubuo ng mga probinsiya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.
Ibig sabihin, malaki ang nai-remit ni Maine sa BIR mula sa mga talent fee niya sa Eat Bulaga, movies at sa napakaraming endorsements na nagawa simula nang pumasok siya sa showbiz noong July 16, 2015.
Samantala, tinanong namin ang butihing ina ni Maine, si Gng. Mary Ann Mendoza, tungkol sa nasulat ni Katotong Reggee Bonoan kahapon na, “Alden at Maine, ‘di maamin ang relasyon (dahil ‘di boto ang parents ni Girl).”
Maikli lamang ang sagot ni Nanay Dub:
“Hindi po totoo na ‘di kami boto kay Alden. Kung magkakagustuhan sila wala pong problema du’n. Support po kami as always.”
Natatandaan namin na si Nanay Dub ang laging kasama ni Maine kapag may shooting siya with Alden, like sa Italy para sa Imagine You & Me, ganoon din sa photo shoot nila para sa Mega magazine sa Morocco, sa “Kalye Serye sa USA,” sa Los Angeles, California at sa New York City. May tiwala rin si Nanay Dub kay Alden dahil noong shooting nila sa Italy, after a few days, iniwan na niya si Maine kay Alden at Direk Mike Tuviera, tiningnan lang niya ang sitwasyon doon ng shooting at saka bumalik na ng Pilipinas.
Natatandaan din namin ang ilang beses na pagkausap ni Tatay Dub or G. Teddy Mendoza sa fans na nagrereklamo sa bashers tungkol kina Maine at Alden at ang lagi niyang sinasabi: “Team Kampante lang tayo, huwag ninyo silang intindihin.”
Saksi na rin kami sa ilang okasyon sa buhay nina Maine at Alden, na laging present ang mag-asawang Teddy at Mary Ann kasama rin si Daddy Bae, Richard Faulkerson Sr., ang daddy naman ni Alden.
So, kampante na rin ba kayo, AlDub Nation?
