Ni: Lyka Manalo

LIPA CITY - Sugatan ang isang pulis matapos mabaril sa dibdib ng isang lalaking sinubukan niyang arestuhin dahil sa paghahamon ng away sa Lipa City, Batangas.

Isinugod kahapon sa ospital si PO2 Jerome Jay Mendoza, 27, nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit ng Lipa City Police.

Naaresto naman ang suspek na si Angelo John Michael Kalaw, 19, ng Barangay Lodlod sa lungsod.

Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng umaga nang sinita ni PO2 Mendoza ang suspek dahil sa pagsusulat sa tarpaulin ni Mayor Meynard Sabili.

Naghamon naman ng away ang suspek, na nauwi sa habulan hanggang sa magpambuno ang dalawa at nakuha ni Kalaw ang .9mm na baril ng pulis.