NAITAKAS ng Pocari Sweat ang matikas na hamon ng Air Force sa kasalukuyang best-of-three semifinals. At hindi mapasusubalian na markado sa hataw ng koponan si Myla Pablo.

Bunsod nang walang kapantay na performance, higit sa krusyal Game 2 ng semifinals mathc-uop laban sa Air Force, nakuha ni Pablo ang parangal bilang Philips Gold-PVL Press Corps Player of the Week.

Nabuhay ang kampanya ng Pocari Sweat para sa ikaapat na sunod na kampeonato nang pabagsakin ang Philippine Air Force, 25-22, 16-25, 23-25, 25-21, 15-12, nitong Linggo para maipuwersa ang ‘do-or-die’ game.

Humakot si Pablo ng 20 attacks at dalawang blocks para sa kabuuang 22 puntos at 12 digs pata maitabla ang serye at maipuwersa ang ‘sudden death’ sa Miyerkules.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We just kept the faith and showed teamwork,” sambit ni Pablo.

Nakabawi ang Pocari Sweat mula sa nakadidismayang 20-25, 19-25, 20-25 kabiguan sa Game One.

Tangan ng dating pambato ng National University ang 29.75 percent sa spiking para sa No.2 spot, habang No.9 siya sa blocking sa 0.42 average per set.

Naungusan ni Pablo sa patrangal sina BaliPure’s Aiko Urdas at Creamline’s Rosemarie Vargas.