Ni: Fer Taboy

Naging matagumpay ang operasyon ng pulisya makaraang makasamsam ng mahigit P7 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation laban sa isang hinihinalang drug pusher sa Mandaue City, Cebu.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na si Jeneviv Perales, na naaresto ng mga tauhan ng City Intelligence Branch (CIB) ng Mandaue City Police Office (MCPO) sa Barangay Umapad, Mandaue City, nitong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Senior Insp. Marvin Pegaredo, deputy head ng CIB, na nakatanggap sila ng report na nagbebenta ng droga ang suspek sa nasabing barangay.

Probinsya

6-anyos sa Cebu na mahigit 1 linggo nang nawawala, natagpuan sa ilog na pugot ang ulo

Nahuli rin ang umano’y mga katuwang ni Perales sa pagbebenta ng shabu na sina Jason Damili at Jimboy Aguila, at nagsu-supply umano ng droga ang grupo sa mga kalapit na bayan ng Consolacion, Liloan at Danao City.

Nasamsam umano ng pulisya mula sa mga suspek ang may 600 gramo ng shabu.