Ni: Nitz Miralles

PANALO ang picture na ito ni Zia na kuha ng amang si Dingdong Dantes habang nagbabakasyon sila sa Siargao. As of Monday morning, may 119,035 views and likes na ang picture ni Zia na nakaupo sa swing, naka-de-kuwatro at naka-swimsuit.

ZIA_for nitz copy

Napapangiti ang mga nakakabasa sa caption na inilagay ni Dingdong sa picture ni Zia na, “I think she likes it here.

#aroundZworld #Siargao #Bayud.”

Human-Interest

#BalitaExclusives: Biringan posibleng totoo dahil sa isang dokumento; ipinaliwanag ng history prof!

Majority sa comments ay cute si Zia, she’s pretty, adorable si Zia, nakakagigil at ‘katuwa ang nag-comment na sexy si Zia. May fans ang mag-asawa na ginamit na display photo ng social media account nila ang picture ni Zia.

Madaldal na si Zia at kahit bulol ay sumasagot ‘pag tinatanong. Ang cute ng sagot nitong “gym” nang tanungin kung nasaan ang ama. Sa tanong kung ano ang name ng mom niya, “Mayan” ang sagot. Nang tanungin kung ano pangalan ng dad niya, “Dingdong” ang sagot.

Game na game ring magbilang ng one to 10 si Zia at alam na ang alphabet. Cute lang dahil bulol siya sa ibang letters.