FINALE week na ng My Love From The Star na nagbibigay ng out-of-this-world kilig, heart-breaking dialogues, at emotional rollercoaster ride sa mga manonood.
Marami ang ginulat ng GMA-7 sa local adaptation ng hit Korean series habang umeere ito nitong nakaraang ilang buwan dahil sa nakakaaliw na atake lalo na ng karakter ng mga bidang sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
“Nakakatuwa kasi na-appreciate ng tao ‘yung effort namin ni Gil, Direk Joyce (Bernal), at ng cast and crew to create a program that the audience is enjoying,” pahayag ni Jennylyn na gumaganap bilang si Steffi Chavez. “I feel accomplished also kahit papa’no, people liked how I portrayed the character. The effort and pagod is worth it as long as the audience enjoys everything about the show.”
Overwhelmed naman ang kanyang katambal na model-turned-actor na si Gil Cuerva sa experience sa pagganap sa loveable alien na si Matteo Domingo.
“Everything was a tremendous experience. This entire show was a great blessing, to be able to work with Direk Joyce, to work with Jennylyn, and all the other members of the cast. Overall, I’m just really overwhelmed with a lot of emotions, especially now that the show is ending. I’m honored and very blessed to be where I am today and I’m thankful to everyone who supported us.”
Samantala, bagamat tila magkakatuluyan na sina Matteo at Steffi bilang happy couple, hindi pa rin sumusuko si Jackson (Gabby Eigenmann) sa kanyang maiitim na balak habang paubos na ang panahon ni Matteo sa daigdig.
Dalawang magkaibang nilalang mula sa dalawang magkaibang planeta na halos imposible na ang relasyon sa simula pa lamang. Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan?
Huwag palampasin ang finale week (Agosto 7–11) ng My Love From The Star pagkatapos ng Mulawin vs Ravena sa GMA Telebabad.