Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Marinerong Pilipino vs Tanduay

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

HINDI na bago kay Tanduay coach Lawrence Chongson ang kinasadlakang isyu.

Bagama’t nagpapanalo ang Rhum Masters sa ginaganap na 2017 PBA D-League Foundation Cup, naging inconsistent, naman ang koponan sa kanilang performance, bagay na ipinag -aalala ni Chongson

“To be honest, sa pinapakita ng team ko, we might have a hard time contending. I think we can squeeze out in the quarters, but semis might be a different story,” pahayag ni Chongson.

Ngunit, bago umusad sa semis, kinakailangan muna nilang lagpasan ang matinding hamon mula sa determinadong Marinerong Pilipino na muli nilang haharapin ngayong 4:00 ng hapon sa isang winner -take-all match kung saan nakataya ang huling semifinals berth sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naipuwersa ng Skippers ang rubber match matapos nilang gulatin ang third seed Rhum Masters, 74-72 noong Martes sa Game 1 ng kanilang quarterfinals match.

Sa kabila ng kabiguan, naniniwala si Chongson na sa pagkakataong ito ay magpapakita ng kaukulang composure ang kanyang mga beteranong players upang pigilin ang Marinerong Pilipino sa tangka nitong tuluyang mabalewala ang taglay ng Rhum Masters na twice -to-beat incentive.

“Itong mga ganitong do-or-die games ang nagpapa-excite sa amin. We would’ve wanted to go the easy way out, but it is what is. Our opponents were able to prove that in spite of being newcomers, they’re no pushovers. So we’ll have to show them more respect, i suppose, moving forward to Game 2,” sambit ni Chongson.

Sa kabilang dako, nananalig naman si Marinerong Pilipino coach Koy Banal na malaki ang kanilang pag -asa lalo ngayong lumawig pa ang kanilang winning streak sa anim na laro.

“We believe that miracles still happen,” sambit ni Banal.

“Our goal from the start is to just to make it to the semis and we’ll figure it out. And with the way we’re playing, the boys are willing to give their all, showing it through their actions and not by words.”

Kasabay nito, sinisikap ni Banal na manatiling grounded ang Skippers at hindi pa nila lubusang naaabot ang kanilang target na destinasyon.