NI: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil -Oil Flying V Arena)

12 n.h. -- EAC vs Arellano (jrs/srs)

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

4 n.h. -- Mapua vs St. Benilde (srs/jrs)

MAPANATILI ang kapit sa ikatlong posisyon ang tatangkain ng Emilio Aguinaldo College sa kanilang pagsagupa sa last season losing finalist Arellano University sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil -Oil Flying V Center sa San Juan City.

Hawak ang barahang 2-2, kasalukuyang pumapangatlo ang Generals kasunod ng namumuno at walang talong Lyceum (6-0) at pumapangalawang San Beda (5-1).

Ganap na 2:00 ng hapon, magsasagupa ang Generals at ang Chiefs pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng kani -kanilang mga juniors squads na magsisimula ng 12:00 ng tanghali.

Tatangkain ng Generals na maitala ang unang back-to-back na panalo kasunod nang tagumpay sa Mapua, 77-72, nitong Hulyo 27.

Sa panig ng Chiefs, sisikapin nilang makaahon mula sa nasimulang roller coaster ride na nagsadlak sa kanila sa four-way tie tangan ang 2-3 marka kasama ang Jose Rizal University, University of Perpetual at season host San Sebastian.

Magkukumahog na makabangon ang Chiefs mula sa ikatlong kabiguang nalasap sa kamay ng Letran, 75-82,sa nakaraan nilang laro.

Sa tampok na laban, magdidikdikan ang Mapua University at ang St. Benilde upang makaiwas na mahulog sa pinakabuntot ng team standings kung saan kasalukuyan sila ngayong magkasalo taglay ang barahang 1-4.