NI: Nora Calderon

EVERY year, laging sinosorpresa ni Dingdong Dantes si Marian Rivera tuwing may special occasion silang mag-asawa, na nagsimula maging noong magkasintahan pa lamang sila.

ZIA AT MARIAN copy

Tulad ng birthday nila, na magkasunod ngayong buwan. Nang tanungin namin si Marian kung saan sila magsi-celebrate, wala pa raw sinasabi si Dingdong, kaya tiyak na sosorpresahin uli siya. Basta ang sinasabi lang nito, kung ano ang dadalhin niyang damit at iba pang mga kailangan.

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

Last Friday, nag-post sa Instagram si Dingdong ng picture nila habang paalis kasama siyempre ang unica hija nilang si Zia, pero hindi sinabi kung saan sila pupunta.

Kalaunan, naka-post nang nasa Siargao Island sila. Umani agad ng maraming likes ang photos na magkatabing nakaupo sa swing ang mag-inang Marian at Zia na may caption ni Marian na: “Swing swing swing with Mama #aroundZworld #MariaLetizia

Sa post naman ni Dingdong, itinaas niya si Zia sa hangin habang nasa swimming pool sila, at ang caption niya, “She’s heaven-sent #aroundZworld #MariaLetizia

Batay pa rin sa posts, nag-stay sila sa Bayud Boutique Resort.

Bago sila nagpunta ng Siargao, nagkaroon muna ng family dinner ang mga Dantes sa Pepita’s para sa 37th birthday ni Dingdong noong August 2. Sa August 12 naman ang 32nd birthday ni Marian.

Nag-celebrate na sila ng kanilang kaarawan dahil magiging busy na ang mag-asawa sa work nila. Sa August 14 ay mapapanood na ang Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena. Wala pang definite date of airing ang ginagawa naman ni Marian na Super Ma’am pero tuluy-tuloy na ang taping niya.

Happy birthday, Dingdong and Marian!