SINIBAK ng Mega Builders ang defending champion Air Force at maisaayos ang finals showdown laban sa Cignal sa men’s division ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference nitong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Gaganapin ang Game One ng best-of-three finals sa Miyerkules.

Ginapi ng Volley Bolt ang Jet Spikers, 25-23, 25-22, 26-24, sa pangunguna nina Fauzi Ismail at Kim Malabunga na umiskor nang pinagsamang 25 puntos.

Nag-ambag sina National team member Bryan Bagunas at James Natividad ng tig-walong puntos sa Mega Builders.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nanguna sa Air Force si Philippine team standout Ranran Abdilla sa naisalansan na 21 puntos, habang tumipa si team skipper Jefrrey Malabanan ng 16 puntos.

Matikas naman ang opensa nina Lorenzo Capate, Peter Torres at team captain Ysay Marasigan para sandigan ang Cignal kontra Sta. Elena, 25-21, 25-18, 25-20.

Kumana si Capate ng 11 puntos, habang tumipa ng tig-10 puntos sina Torres at Marasigan.