CARACAS (AFP) – Sinibak ng bagong assembly na tapat kay President Nicolas Maduro ang attorney general ng Venezuela sa unang working session nito noong Sabado.

Ang pagsibak kay Luisa Ortega ang unang kautusang ibinaba ng Constituent Assembly matapos mahalal sa kinokondenang eleksiyon noong nakaraang linggo. Binanggit nito na si Ortega ay haharap sa paglilitis dahil sa ‘’irregularities’’ habang nasa puwesto.

Sinabi ni Ortega, hinarang ng ilan dosenang sundalo sa pagpasok sa kanyang opisina, na hindi niya kinikiala ang pagsibak sa kanya, o ang pagpapanumpa ng assembly sa kanyang kapalit na si Tarek William Saab.

Kinondena ng Colombia, Chile, Guatemala, Mexico, Peru at Canada ang desisyon ng assembly na tinawag nilang “illegal.’’
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina