Jeron Teng |Photo by Ayo Mangoroban
Jeron Teng |Photo by Ayo Mangoroban

MATAPOS ang ilang record performance na patuloy na naglalapit sa kanilang koponan sa hinahabol na league history, ganap namang iniluklok ni Jeron Teng ang kanyang sarili bilang pangunahing manlalaro ng ginaganap na 2017 PBA D-League Foundation Cup.

Bunga nito, hindi na magiging kataka-taka kung ang 23-anyos na dating La Salle standout ang tanghaling Conference Most Valuable Player.

Nagtala ng average na 23.9 puntos, 6.8 rebounds, at 6.1 assists, iniukit na ni Teng ang kanyang pangalan sa kasaysayan matapos maging unang manlalaro na nakapagtala ng tatlong triple double performance sa liga upang pamunuan ang Flying V sa pagwawalis ng nakaraang eliminations.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Mahigpit naman niyang kaagaw para sa pinakamataas na individual honors ang mga big men ng Cignal HD na sina Jayson Perkins at Raymar Jose.

Nakapagtala si Jose ng average na 11.8 puntos, 10.4 rebounds, at 1.4 assists, habang nagposte naman si Perkins ng 15.3 puntos, 5.89 rebounds, at 1.8 assists.

Sa pamumuno nila, tumapos na pangalawa ang Hawkeyes at gaya ng Thunder ay nagkamit din ng insentibong outright semifinals berth sa hawak na 8-2 marka .

Nasa kontensiyon din ang kakampi ni Teng na si Gab Banal na nakapagtala naman ng average na 13.3 puntos, 7.5 rebounds, at 3.4 assists.

Kasama rin sa kandidato si Lester Alvarez ng third seed Tanduay na may average na 13.1 puntos, 2.7 rebounds, at 5.8 assists gayundin ang kakampi niyang si Paul Varilla na nag -average ng 10.0 puntos, 5.4 rebounds, at 2.1 assists.

Kasunod naman nila sina JK Casiño ng 4th-seed Centro Escolar University ( 11.5 puntos, 2.2 boards, at 2.1 assists) at Julian Sargent ng 6th seed Marinerong Pilipino (10.0 puntos, 5.1 rebounds, at 2.3 assists). - Marivic Awitan