Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara sa mga motorista ang Roxas Boulevard bukas, Agosto 8, para sa pagtatapos ng 50th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Meeting sa Pasay City.

Ayon kay Manny Miro, MMDA special operations officer, isasara ang Roxas Boulevard—mula sa Padre Burgos hanggang Buendia Gil Puyat southbound—simula 2:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi bukas para sa grand parade at pag-iilaw ng ASEAN lantern.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta: sa P. Burgos, Finance Road, Taft Avenue, Buendia, Roxas Boulevard o sa Macapagal o sa Diokno patungo sa destinasyon.

Upang hindi maipit sa trapiko, makabubuti sa mga motorista na iwasang dumaan sa paligid ng Philippine International Convention Center sa Pasay City habang isinasagawa roon ang mga aktibidad para sa ASEAN hanggang bukas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tanging ang mga delegado, foreign ministers, at mga bisitang dadalo lamang sa meeting ang pahihintulutang dumaan sa lugar.

Ang ASEAN meetings ay pagtitipon ng 27 foreign ministers bilang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Ang mga cargo truck at iba pang mabibigat na sasakyang maaapektuhan ng pagsasara ng Roxas Blvd. ay maaaring kumanan sa EDSA, at kaliwa sa South Superhighway patungo sa Port Area. - Anna Liza Villas-Alavaren