ni Gilbert Espeña

INIHAYAG ng hambog na trainer ni WBO welterweight champion Jeff Horn na Aussie Glen Rushton na hihilingin nila ang random drug testing sa rematch kay Manny Pacquiao na muling gagawin sa Australia sa Nobyembre.

Na-upset ni Horn sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision si Pacquiao nitong Hulyo 2 sa harap ng mahigit 50,000 niyang kababayan sa Suncorp Stadium sa Brisbane na kinunsinte ng referee ang lahat ng foul tactics ng Aussie boxer.

Ayon kay Top Rank big boss Bob Arum, tiyak na ang rematch nina Pacquiao at Horn pero nagreklamo si Rushton dapat patas ang drug testing protocol sa dalawang boksingero.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It is something I’d bring up because what I don’t want is for them to go ‘The only way I can win this fight is if we are trying to get an unfair advantage’,” sabi ni Rushton sa Sydney Morning Herland. “I would certainly be very mindful of that. We want the big fights, but we want a level playing field.”

Ngunit, hindi ikinonsidera ni Rushton na gawin ang laban sa neutral na bansa halimbawa sa Macau, China dahil batid niyang matatalo sa disqualification si Horn kaya itinuon ang atensiyon sa random drug testing.

“I’m very happy with any drug testing. I signed Jeff up for the WBC-VADA clean boxing program, which means you can be tested at any time. As an Olympian, we’re used to this sort of drug testing. We’ve had to do this many times,” dagdag ni Rushton, “He’s clean as a whistle. If we thought it was a fluke, we would be dodging it. But we’re saying let’s do it again, next time we’ll make it more convincing.”