NI: Mary Ann Santiago

Sakaling mapatunayang nagkasala, si Pope Francis ang magdedesisyon kung ano ang parusa na ipapataw kay Monsignor Arnel Lagarejos.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Santo Papa ang may pinal na desisyon kung sisibakin sa pagka-pari o hindi si Lagarejos.

“Ang magde-decide lang ay ang Santo Papa. ‘Pag sinabi po ng congregation na ito po ang aming recommendation, yes or no, no yes. Ang Santo Papa naman sasabihin n’ya yes or no,” paliwanag ng arsobispo, sa isang panayam sa radyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paglilinaw pa ng arsobispo, pinal ang anumang magiging desisyon ng Santo Papa at hindi na maaaring iapela pa.