Ni LYKA MANALO

ISA pang makasaysayang pagpapakita ng mga makabagong obra ng mga pintor at ibang mga alagad ng sining sa makabagong henerasyon ang itinampok sa exhibit na isinagawa sa Lipa City kamakailan.

Nagsimula noong Hulyo 13 at natapos ng Hulyo 20 ang exhibit na personal na sinuportahan ni Atty. Sylvia Marasigan, Provincial Tourism Officer ng Batangas, Atty. Leo Latido, Lipa City administrator at iba pang mga lokal na opisyal.

Kapeng Barako cake

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasama sa mga ipinakita sa publiko ng “My City, My SM, My Art” sa SM City Lipa ang mga obra nina Jonathan Olazo, anak ng master artist na si Romulo Olazo at ni Paulina Luz-Sotto-Llanes, apo ng National Artist na si Arturo Luz.

Jonathan Olazo Nagtapos si Jonathan Olazo ng Bachelor of Fine Arts Painting degree sa University of the Philippines (Diliman) noong 1992 at simula noon ay nagkaroon na ng solo at group shows at galleries sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sa kanyang mga obra makikita na siya ay isa sa most energetic abstract painters sa bansa.

Paulina Luz-Sotto-Llanes Bagamat nagtapos na cum laude sa Ateneo de Manila ng Communications degree noong nakaraang taon, hindi nawalan ng oras si Paulina sa calligraphy. Nagsimula ang pagpipinta niya gamit ang mga linya. Noong Disyembre 2, 2016, inilipat ni Paulina ang kanyang paper sketches sa canvass at naipinta ang kanyang unang abstract painting.

Thema Arts Society Asosasyon sila ng Fine Arts students and arts enthusiasts mula sa Batangas State University Alangilan campus, ang tanging unibersidad sa lalawigan na mayroong Bachelor’s degree program sa Fine Arts. Binuo ang grupo upang mabigyang pagkakataon ang mga talento ng bawat artist na maipakita ang kanilang galing sa pamamagitan ng paglahok sa art exhibits, art institutions, at art events.

Dr. Marichu Liwag Carstensen at Lipeño Youth Art Club Medical doctor turned artist si Dr. Marichu, ang nagtatag ng Lipeño Youth Art Club noong 1997. Ang grupong ito ng kabataan ay nagtutulungang mahubog at mapagyaman ang kanilang talento sa iba’t ibang uri ng sining.

Para kay Dr. Marichu, ‘learning must not stop’ kaya nitong nakaraang taon lamang, natapos niya ang kanyang degree sa Fine Arts Major in Industrial Design sa University of the Philippines.

Mayroon siyang design business para sa halos lahat ng disenyo at coffee shop na nagsisilbing gallery ng mga obra ng Lipeño Youth Art Club.

Chito Seguismundo ​Bihasa sa kanyang lente, kilala si Chito sa pagkuha ng ‘breathtaking beauty’ na nailalathala sa mga publikasyon tulad ng Peaks and Valleys at coffee table book tungkol sa kasaysayan ng Lipa.

Para kay Seguismundo, na dating presidente ng Lipa City Tourism and Museum Council, ang mga tao at ang paligid ang best art subjects at ang photography ang pamamaraan niya sa pagbibigay-pugay sa komunidad na kanyang kinalakihan.

Grupo Sining Batangueño Pinagsama-samang artists mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Batangas na nabuo sa inisyatibo ni Governor Hermilando Mandanas ngayong taon lamang.

Layunin ng grupo na ipakilala ang sining, kultura at mga tao sa larangan ng sining na nagmula sa Batangas.

Kabilang sa grupo ang mentors na si Joseph Albao, nagtapos ng Fine Arts sa Batangas State University, na nakatuon sa endangered species at Filipino culture ang mga obra, madalas manalo sa art competitions, at bahagi ng iba’t ibang art exhibits sa bansa; Rex Tatlonghari ng San Juan, Batangas na itinuturing ang sarili bilang conceptual realist, panalo rin sa iba’t ibang kompetisyon mula taong 1994 at nagkaroon na ng exhibits sa Singapore, Seoul, South Korea at New York, USA.

Hindi lang graphic designer kundi muralist at product designer din si Randy Macalindong na iskolar ng Far Eastern University. Siya ang nagtatag noong 1995 ng Pintor Kulapol, isang grupo ng mga artist na nakabase sa Tuy, Batangas.

Isa siya sa mga bumubuo ng mga design sa trade fairs ng Department of Trade and Industry (DTI) sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Grupo Sining Batangueno Mentees Si Ryan de Roxas na nagmula sa tabing lawa ng Taal sa San Nicolas, Batangas ay kumukuha ng ideya mula sa kanyang buhay at kapaligiran. Kadalasan na ang ibong tagak ang makikita sa kanyang mga obra at bagaman walang formal schooling sa larangan ng visual arts, nais niyang makilala sa kanyang glow-in-the dark na mga likha.

Mula sa Batangas City si Zhyra Ann Nedia na iskolar ng Global Knowledge Academy, at kumukuha ng Fine Arts sa ilalim ng scholarship ng Kunsthaus Gallery. Ang kanyang mga obra ay naglalarawan sa kagandahan at mga katangian ng kababaihan.

Chef at may-ari ng Donapetit Cakes and Pastries si Donna Gay Villegas, na nagsimulang gumawa ng fondant cake gamit ang kapeng barako bilang medium. Umaasa siya na maging bahagi ang kanyang painted cakes ng iba’t ibang festivals.

Nature lover si Robert Tiano na ang mga obra ay mula sa kanyang mga natutuhan sa Internet, at bilang presidente ng Guhit Pinas Batangas Chapter, nais niyang makatulong sa iba pang may interes sa sining.

Si Migs Deniola naman ay isang tattoo artist, painter, poet at singer-performer. Miyembro siya ng Barong Tagalog, isang grupo ng millennial artists na dalubhasa sa alternative art.

Jun Cumagun Dating cartoonist at editorial artist ng Philippine Herald, set designer ng Repertory Philippines na nagtanghal ng memorable plays na kinabibilangan ng The Sound of Music, Les Miserabless at King and I.

Kilala ng mga Lipeño bilang art teacher at sa edad na 84 ay patuloy pa ring nagpipinta. Ang kanyang obra ang nag-iisang nakapasok mula sa Pilipinas sa final cut ng 10th International Art Competition sa LDS Church Museum of Art sa Salt Lake City, Utah, USA noong 2015.

Bo Cumagun Nagtapos ng Bachelor of Fine Arts sa University of the Philippines major in sculpture na nakamit ang Outstanding Thesis Award noong 2015 at aktibong miyembro ng Association of Lifecasters International simula 2004.

Nanalo siya ng major national art competitions tulad ng Philippine Art Awards, Metrobank Art and Design Excellence at Shell National Students Art Competition. Tulad ng kanyang ama ay art teacher din si Bo, katunayan lamang na ang sining ay nananalaytay sa kanilang pamilya.

[gallery ids="258909,258914,258913,258908,258907,258911,258910,258905,258904"]