LAYUNIN ng makasaysayang pagtitipon sa Metro Manila na maipalaganap ang kampanya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng mga katuwang nito upang maisulong ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas.
Pinangunahan ng KWF ang tatlong araw na presentasyon ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino na pinagtuunan ang paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan, at itinataguyod ang kaangkupan ng ating lengguwahe sa iba’t ibang paggamit dito.
“Filipino isn’t just for daily conversation but can be used in research and various disciplines,” pahayag ng KWF education at networking chief na si John Enrico Torralba.
Sinabi ni Torralba na ikinokonsidera ng KWF na makasaysayan ang pagtitipon, dahil ito ang unang pagkakataon na ginamit ang wikang Filipino sa pagtalakay sa mga iprinisintang aralin.
Inilunsad ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino ang pambansang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon.
Itinatakda ng Proclamation 1041, series of 1997 ang Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa, na gugunitain taun-taon.
Ilan sa mga iprinisinta ng KWF ay ang kultura, pagkain, trahedya at musikang Pilipino.
Sa pagtitipon, ibinahagi ni National Artist Dr. Ramon Santos ang mga impormasyon tungkol sa mga dayalekto sa Pilipinas na ginamit sa iba’t ibang uri ng musika.
Ilan sa mga ito ay ang “kundiman” at “awit”, gayundin ang musika ng mga katutubo gaya ng “ba’diw” ng mga Ibaloi.
Tinalakay naman ng University of the Philippines professor emeritus na si Dr. Nicanor Tiongson nitong Huwebes ang buhay at mga obra ni Aurelio V. Tolentino.
Naniniwala si Tolentino na ang pambansang teatro ay ang teatro ng tao, ayon kay Tiongson.
Malaki rin ang paniniwala ni Torralba na makatutulong ang pagtitipon upang mahikayat ang mga kinatawan na gamitin pang lalo ang wikang Filipino sa trabaho, sa paaralan at sa mga tahanan.
“The congress is part of our campaign to promote Filipino,” aniya.
Ang paggamit ng Filipino ay makatutulong sa pagpapalawig ng kaalaman at ng komunikasyon — mahalaga ito sa pag-usad ng bansang Pilipinas tungo sa kaunlaran, ayon kay Torralba. - PNA