ni Leonel M. Abasola

Hinimok ni Senador Leila de Lima ang pamahalaan na imbitahin si United Nations Special Rapporteur on the Human Rights of Internally Displaced Persons Cecilia Jimenez-Damary para personal nitong makita ang sitwasyon sa Marawi City, Lanao del Sur sa gitna ng pagpalawig ng batas military sa Mindanao.

“In light of the extension of the effectivity of Martial Law in Mindanao and the worrisome conditions already reported to be prevailing in the affected areas, it is imperative for the Executive Department to invite Jimenez-Damary, to enable her to verify these troubling complaints, assess the actual living conditions of the [evacuees] within and outside evacuation camps,” nakasaad sa pahayag ni De Lima.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development sa Zamboanga, 351,168 katao na ang lumikas sa kanilang tirahan dahil sa gulo sa Marawi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay De Lima, dapat ding tingnan ang mga ulat na may namamatay na sanggol bawat limang araw, magkakasama sa charity ward ang tatlong babae, mga alegasyon na pinagmamartsa ang kalalakihan na walang damit at nakapiring ang mga mata, gayundin ang kaso ng dalawang buntis na inimbestigahan dahil nakunan ng dextrose intravenous drips.