AKSIYONG umaatikabo ang matutunghayan sa paglarga ng semifinals ng kauna-unahang BNTV Cup 7-Stag Derby simula ngayon.

Itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang “early bird competition” na ito ay pinapangunahan nila Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at mga bumubuo ng Bakbakan Na tv program.

Para sa mga nag-2-stag elimination sa Abucay, Bacolor; Pampanga & Tarlac, ang kanilang 2-stag semis ay sa Bacolor Cockpit sa Pampanga ngayon.

Para sa mga naglaban sa Texas Cockpit sa Antipolo, Antipolo; San Roque Cockpit sa Markina; Montalban Cockpit sa Rodriguez, Rizal at sa Arena de Morong, Rizal, ang kanilang semis ay sa Texas Cockpit bukas.

Ang mga nag-qualify mula sa mga eliminasyon sa Little Coliseum in San Pablo; Lucena Cockpit, Metro Darasa sa Batangas , Balagtas Complex Cockpit in Bulacan, Calaca Cockpit Arena sa Batangas at Milaor Cockpit Arena sa Camarines Sur maghaharap sa Metro Darasa, Batangas bukas.

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

Sa Agosto 11, ang Del Monte Cockpit ang magiging lugar ng labanan para sa mga nakalusot mula sa Sta. Maria, Bulacan; Sta. Monica Cockpit sa Novaliches: Malolos Cockpit at La Loma Cockpit.

Para naman sa mga nag-qualify mula sa Dasma Coliseum, New Las Piñas Coliseum at Imus Sports Arena ang kanilang semis ay magaganap sa Dasma Coliseum sa Agosto 11.