IBINALITA ng ABS-CBN ang panganganak ni Kylie Padilla, 10:31 PM, noong Friday, August 4. Baby boy ang isinilang ni Kylie, ang first child nila ni Aljur Abrenica at kaya sinabi naming first child dahil tiyak na masusundan pa.

Binisita namin ang Twitter ni Aljur, wala pa siyang ipino-post tungkol sa panganganak ni Kylie. Sa Instagram (IG) account naman niya, “ALAS Diez Treinta Y Uno” lang ang nakasulat, ang oras ng pagsilang ni Kylie sa kanilang baby boy. May short comment si Aljur na, “I’m so proud of you...I love you #StrongWomanKyNiPad.”

ROBIN AT ISABELLA
ROBIN AT ISABELLA
Kamakailan ay nanganak din ang elder sister ni Kylie na si Queenie Padilla at nagkaroon pa ng isyu dahil sa ipinost nitong photo ay hindi nakikita ang mukha ng bata. Na-bash si Queenie, pero nanindigan itong hindi ipakita ang mukha ng anak at ang anak daw ang magde-decide kung gustong magpakita sa social media ‘pag nasa wastong gulang na.

Nag-comment si Kylie ng “As it should be,” kaya hindi kami magugulat kung gayahin niya ang ate niya na hindi rin ipakita ang mukha ng anak ‘pag mag-post siya ng picture nito sa social media.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Samantala, dalawa na agad ang mga apo ni Robin Padilla, babae kay Queenie at lalaki kay Kylie. Mag-aabot sa paglaki ang dalawang apo ni Robin at ang anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella na malapit nang mag-one year old. - Nitz Miralles