NAMATAY ang rapper na si Prodigy, isa sa duo Mobb Deep, nang aksidenteng mabulunan, ayon sa report ng TMZ.
Nauna nang ibinalita ng site na nabulunan si Prodigy habang kumakain ng itlog habang nasa ospital upang magpagamot sa sakit na anemia. Pumanaw ang rapper noong Hunyo 20 sa edad na 42.
“It is with extreme sadness and disbelief that we confirm the death of our dear friend Albert Johnson, better known to millions of fans as Prodigy of legendary N.Y. rap duo Mobb Deep,” pahayag ng tagapasalita ng Mobb Deep nang pumanaw si Prodigy.
“Prodigy was hospitalized a few days ago in Vegas after a Mobb Deep performance for complications caused by a sickle cell anemia crisis,” dagdag pa nito. “As most of his fans know, Prodigy battled the disease since birth.”
Ipinanganak si Prodigy bilang Albert Johnson sa Hempstead, New York noong Nobyembre 2, 1974, anak ni Fatima Johnson, na miyembro ng R&B group na Crystals.
Binuo ni Prodigy ang Mobb Deep kasama si Havoc noong early 90s at inilabas ang kanilang unang album na Juvenile Hell noong 1993. Pumatok at kinilala ang kanilang pangalawang album naThe Infamous, na tinagurian bilang isa sa pinaka-influential na album na umusbong noong 90s sa East Coast hip-hop scene.
Inilibing si Prodigy noong Hunyo 29 sa Frank E. Campbell Chapel sa New York City at dumating sina Havoc, LL Cool J, Ice T, 50 Cent, Questlove, Remy Ma at Fat Joe. - People