ni Bella Gamotea

Masyado pang maaga o “premature” ang hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG) na humirit sa mga korte na muling arestuhin at ikulong ang 20 consultant ng mga rebeldeng komunista, sinabi kahapon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Nilinaw ng NDFP na ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng grupong komunista at ng pamahalaan ay hindi pa ganap na ipinatitigil.

Ayon kay Edre Olalia, legal consultant ng NDFP, hindi pa nagpapadala ng sulat ang gobyerno na nagsasaad na tinatapos na nito ang pakikipag-usap sa kanilang grupo na alinsunod sa itinatakda ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon