GINAPI ni Pinay Grandmaster Janelle Mae Frayna sina Germans Nguyen Ha Tranh at Tiffany KInzel sa huling dalawang laro para makisosyo sa ika-11 puwesto sa pagtatapos ng Women’s International Open nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Erfurt, Germany.

Matapos makamit ang magkasunod na kabiguan, bumawi si Frayna, tanging Filipina Woman Grandmaster, laban kina Nguyen sa eighth round at kay Kinzel sa final round para makasama sina Czech WIMs Kristyna Havlikova at Karolina Olsarova, Russian WIM Elena Sazanova at German Antonia Ziegenfuss tangan ang parehong 5.5 puntos.

Matapos ang tiebreaker, pumuwesto si Frayna sa No.13.

Matikas ang simula ni Frayna nang magwagi kina WGM Galina Strutinskaia ng Russia at tatlong tabla kina WGMs Joanna Majdan ng Poland at Ilze Berzina ng Latvia at Woman International Master Nino Khomeriki ng Georgia.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nadomina rin niya si German Victoria Wagner.

Sumabak si Frayna, suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Chess Federation of the Philippines (NCFP), sa Erfurt tilt bilang ikatlong torneo sa mapaghamong kampanya sa Europe.