Tiniyak ni Pangulong Duterte nitong Biyernes sa mga sundalo sa Marawi City, Lanao del Sur ang buong suporta ng pamahalaan sa pakikipaglaban ng mga ito sa mga terorista sa siyudad.

Ito ang kanyang pahayag sa isa pang walang pasabing pagbisita niya sa Marawi, 15 araw pagkaraan ng una niyang pagtuntong sa siyudad na winasak ng giyera habang patuloy ang bakbakan ng militar at pulisya laban sa Maute Group.

Natuloy ang pagdalaw ni Duterte sa Marawi nitong Hulyo 20 pagkaraan ng dalawang bigong pagtatangka dahil sa masamang panahon.

Sa pagbisita ng Pangulo, ipinahayag niya ang kanyang suporta sa mga sundalo ng Joint Special Operation Task Force Trident sa Camp Kilala.

Eleksyon

Guanzon, may panawagan sa mga Kakampinks na 'di boboto sa party-list niya

“I have to be here because I want all of you to know that — mahal ko kayo,” sabi ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na malaki ang pag-asa niyang hindi na madaragdagan ang nasawing mga sundalo.

“I hope you will be able to clean up Marawi City and get rid of the terrorists,” sabi ni Duterte. - Argyll Cyrus B. Geducos