LOS ANGELES — Matapos ni Juan Manuel Marquez, isa pang dating karibal ni eight-division world champion Manny Paquiao – dating two-division world boxing champion Timothy Bradley – ang nagretiro sa boxing.

Kinumpirma ni Bradley nitong Sabado (Linggo sa Manila) ang desisyon na isabit ang kanyang gloves sa isang pahayag matapos magkomento sa laban ni Vasyl Lomachenko kontra Miguel Marriaga sa Los Angeles.

Tangan ng 33-anyos na si Bradley ang 33-2-1 marka, tampok ang 13 knockouts. Napagwagihan niya ang welterweight at light welterweight title.

Pinakamalaking laban niya ang ‘trilogy’ kay Manny Pacquiao kung saan naipanalo niya ang una via decision noong 2012.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nakuha ni Bradley ang light welterweight title noong 2008 bago umakyat ng timbang para kunin ang titulo kay Pacman. Naidepensa niya ang korona kay Ruslan Provodnikov noong 2013, bago ginapi si Juan Manuel Marquez via split decision.

Hindi na lumaban si Bradley mula nang matalo ni Pacquaio noong Abril 2016.