Ni Ernest Hernandez

NAKAUMANG na ang Alaska para ipagdiwang ang sana’y unang panalo sa Governor’s Cup, ngunit mistulang kontra-bida si Roger Pogoy para mga tagahanga ng Aces.

Kumalawa sa depensa ng Aces si Pogoy para isalpak ang 16 sa kabuuang 25 puntos sa final period para akayin ang Talk ‘N Text Katropa sa come-from-behind 107-106 panalo nitong Biyernes sa Smart-Araneta Coliseum.

Tampok sa opensa ni Pogoy ang 7-of- 8 sa three-point, na umani ng papuri kabilang mismo si Alaska Aces mentor Alex Compton.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Roger Pogoy. What can you say about that?” pahayag ni Compton.

“He is 7 for 8. Most guys in our league, if they get 8 wide-open threes, they don’t make 7. He made more threes that our own team. Out of our 26 threes, I want to say that 21 or 22 were wide open but we only made 6. He went crazy,” aniya.

Naghabol ang Katropa sa pinakamalaking 14 puntos na bentahe ng Alaska sa second period. Ngunit, sa kabila nang matikas na laro ni Calvin Abueva, hindi nakaiwas ang Aces sa hukay ng kabiguan – ika-12 sunod kabilang ang kampanya sa nakalipas na Commissioner’s cup.

At ang salarin sa pagkakataong ito ay si Pogoy.

“Wala, nilaro ko lang. Kung libre lang, tinitira ko. Awa ng Diyos at

pumapasok tira ko,” pahayag ni Pogoy.