Binalaan kahapon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga hindi rehistradong brand ng herbal pain relieving liniment, o pamahid sa kirot.

Ayon sa FDA, hindi dumaan sa masusing pagsusuri ng ahensiya ang Ariben Oil Premium Liniment at V-Moringa Superior Pain Relieving Herb Cream, kaya pinaiiwas ang publiko sa pagbili at paggamit nito.

Bukod pa rito, lumitaw na hindi rin rehistrado sa FDA ang dalawang nabanggit na pamahid, base sa post-marketing surveillance.

Ang Ariben Oil Premium Liniment at V-Moringa Superior Pain Relieving Herb Cream ay parehong gawang Pinoy na mula sa Davao City, at naibebenta umano sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. - Bella Gamotea

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'