ALJUR AT DIREK MALU
ALJUR AT DIREK MALU

HABANG ini-interview si Aljur Abrenica ng entertainment press sa 100 Weeks celebration ng FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP) ay nabanggit niyang kasalukuyang nagli-labor ang girlfriend niyang si Kylie Padilla kasama ang nanay niya at mga kapatid kaya nalulungkot siya, kasi nga wala siya sa tabi nito.

Kaya agad umalis si Aljur pagkatapos ng interbyuhan at hindi namin alam kung umabot siya sa panganganak ni Kylie dahil hindi naman ito nabanggit sa post ng huli sa Instagram account kahapon bandang 11 AM.

Ipinost ni Kylie in silhouette na karga ni Aljur ang baby boy nila na nakatapat sa bintana at may caption na, “It’s as real now as it’s ever going to be.”

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Samantalang si Aljur ay nag-post naman ng, “ALAS Diez Treinta Y Uno, I’m so proud of you... I love you. ? #StrongWomanKyNiPad”.

Napanood na rin nitong nakaraang Biyernes ang paglabas ni Aljur sa FPJAP na walang pang-itaas na damit habang nakasakay sa kabayo at may dalang armalite at panghampas sa mga tauhan ng quarrying nila na sa tingin niya ay tatamad-tamad.

Mahigpit na amo ang karakter ni Aljur dahil pinagagalitan niya kapag hindi niya gusto ang trabaho at nang malaman niyang nilusob sila ng mga rebeldeng Pulang Araw ay mahigpit niyang ipinagbilin sa katiwala niyang si Paul Alvarez na magbantay dahil tiyak na babalikan sila.

Matigas ang pananalita ni Aljur at bumagay ang karakter niya bilang mahigpit na may-ari ng illegal quarry kaya tama lang ang acting niya.

Totoo ang sabi ng hepe ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Deo Endrinal na marunong umarte si Aljur at nasa tamang handling lang ang sekreto.

Ganito rin halos ang sabi ni Direk Malu Sevilla na unang nagdirek kay Aljur sa FPJAP, “It’s an action drama, so far, acting requirement dito for him is not a highly dramatic.”

Hmmm, kaya pala pasado kaagad si Aljur sa unang taping day niya sa Probinsyano dahil bumagay din sa kanya ang karakter na kailangang magpakita ng abs na ilang beses namang pinaglaruan ng kamera. - Reggee Bonoan