PARIS (Reuters) – Nagbabalik sa France ang 271 jihadi militants mula sa mga digmaan sa Iraq at Syria – at lahat sila ay iniimbestigahan ng public prosecutors, inihayag ng interior minister.

Mayroong 700 French nationals ang pinaniniwalaang lumaban kasama ang grupong Islamic State sa Iraq at Syria. At gaya ng ibang bansa sa Europe, sinasikap ng France na matugunan ang pagdagsa ng mga tinatawag na returnee.

Sinabi ni Gerard Collomb sa panayam ng pahayagang Le Journal du Dimanche na “very high” ang banta ng pag-atake ng mga militante. Binanggit niya ang dalawang insidente na pumuntirya sa mga pulis sa Champs Elysees ng Paris at pitong napigilang pag-atake ngayong taon.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina