NI: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

Fil Oil Flying V Arena)

10 n.u. -- Mega Builders vs Air Force (men’s)

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

1 n.h. -- Cignal HD vs Sta. Elena (men’s)

4 n.h. -- Creamline vs BaliPure (women’s)

6:30 n.h. -- Pocari Sweat vs Hair Fairy Air Force (women’s)

SIMULA na ang hatawan ngayon sa nakatakdang quadruple header sa pagsisimula ng best-of –three semifinals sa men's at women's divisions ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

VALDEZ copy copy

Magtutuos sa men's division para sa pambungad na laro ganap na 10:00 ng umaga ang Megabuilders at defending champion Air Force habang maghaharap naman ang Cignal HD at Star. Elena ganap na 1:00 ng hapon.

Sa women's division, magtutunggali sa unang laro ganap na 4:00 ng hapon ang undefeated Creamline at Balipure habang magkakasukatang-lakas ang defending champion Pocari Sweat at ang Air Force ganap na 6:30 ng gabi.

Tiyak na aantabayanan ng mga fans, kung maglalaro ang national team standout na si Alyssa Valdez para sa Cool Smashers.

May sabit sa schedule sa national team ang dapat sana'y paglalaro ulit ni Valdez para sa Creamline pagkagaling nito sa dalawang linggong training sa Japan.

Ito'y matapos na magdesisyon ang pamunuan ng national team na i-quarters ang lahat ng players at magsagawa ng dalawang beses na ensayo araw-araw bilang paghahanda sa darating na AVC championships at Southeast Asian Games.

Nauna nang nagpahayag ng kagustuhang lumaro si Valdez, ngunit depende pa rin aniya ito sa mapapagkasunduan ng mga kinauukulan.