LONDON (AP) — Matapos ang apat na taon, nakamit ni Natasha Hastings ang kanyang kasangga ang pinakmimithing gintong medalya.
Bago ang pagbubukas ng 2017 World Championship nitong Biyernes (Sabado sa Manila), ibinigay kay Hastings at kasangga sa US 4x400-meter relay team ang gintong medalya na pinagkait sa kanila ng Russia noong 2013.
Binawi ng International Federation ang gintong medalya sa Russia bunsod ng isyu sa doping.
Walang pagsidlan ang kasiyahan nina Hastings, Jessica Beard, Ashley Spencer at Francena McCorory nang isabit sa kanila ang medalya at awitin ang National anthem na bigo nilang naranasan may apat na taon na ang nakalilipas.
Nakamit naman ng Britain ang silver at ang bronze sa France.