Ni: PNA

HINDI nakapagpapataas ng blood sugar ang pagkain ng buong prutas — kabilang ang fructose na nakakapagbigay ng tamis dito, ayon sa isang endocrinologist.

”Fiber (in fruits) reduces the rate of absorption of sugars in your intestine and so your blood glucose and your blood fructose don’t spike, which then makes your insulin no to spike either,” paliwanag ni Dr. Robert Lustig sa isang panayam matapos niyang talakayin ang tungkol sa metabolic syndrome sa forum na, “Fats and Sugars: Friends or Foes”, na ginanap sa Shangri-La Hotel sa Makati nitong Miyerkules.

Ayon kay Lustig, ang pagkain ng balat ng prutas ay makatutulong upang maprotektahan ang tao sa pagkakaroon ng diabetes at iba pang mga sakit na nakukuha sa labis na pagkonsumo ng matatamis na pagkain.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Samantala, binalaan naman ni Lustig ang publiko na ang pagkuha ng katas mula sa mga prutas, kung saan inaalis ang mga balat, ay nakapagpapataas ng blood sugar, at maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng diabetes na katumbas ng pag-inom ng softdrinks.

Ang fructose sa prutas ay hindi added sugar kung ang buong prutas ay kinakain, paliwanag niya.

”But once you take the fiber away, then it might as well be added sugar and it’s just like soda,” sabi ni Lustig.

Pinagbawalan din ni Lustig ang pagkain ng mga prosesong pagkain — gaya ng cake, candy, at soda — dahil may mataas na asukal ang mga ito ngunit mababa sa fiber.

Ang asukal, aniya, ay nagkukubli rin sa barbecue sauce, tomato sauce, ketchup, salad dressings, hamburger buns, pretzels, at iba pa, na hindi maaaring mabawi ng pagkonsumo ng fiber at maaaring makapinsala sa katawan.

Ang forum ay inorganisa ng Philippine Center for Diabetes Education Foundation.