NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Globe Telecom sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) para sa kanilang #PlayItRight — isang advocacy na humihikayat sa publiko na panoorin ang mga pelikulang Pilipino sa lehitimong paraan. Ito’y upang matulungan ang local filmmakers at mga manggagawa na mapalakas ang industriya na lubos nang apektado ng piracy.

LIZA DIÑO copy

Sa pamamagitan ng PPP, nabigyan ng pagkakataon ang independent film producers na makibahagi sa pinakamalaking film festival sa Pilipinas. Dito naibahagi ng Globe ang kanilang pakikiisa sa mundo ng pelikula upang lumawak din ang paraan sa panonood ng pelikulang Pilipino bukod sa sinehan. Dahil sa Globe at ang partner nito tulad ng HOOQ, maaaring mapanood ang mga pelikulang sangkop ng PPP sa mobile phones at tablets.

“We intend to elevate the quality of entertainment in the country. There’s a boundless supply of talent in the Philippines which may bring great movies, awe-inspiring theater productions, and exciting content but it also entails educating consumers to patronize these movies, shows, and content only through legitimate means. By supporting the #PlayItRight campaign, everyone will get the opportunity to experience quality and safe entertainment wherever they are and in whichever form they want --whether film, digital, or theater,” pahayag ni Globe Chief Commercial Officer Albert De Larrazabal.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ang PPP ay magpapalabas ng pinakamaraming original na pelikulang Pilipino sa 790 sinehan sa buong bansa simula August 16 hanggang August 22. Kasama rito ang 12 top-rated at locally-produced na mga pelikulang pinili ng FDCP.

Nagpahayag din si Liza Diño, chairperson ng FDCP, na, “We are very proud of this incredible roster of films that we are showcasing for Pista. As this is the first time that we are partnering with all the theaters for a massive event for the whole country, we hope that we get the support of all Filipinos by watching the films. This is not just a film showing event, but really a celebration of films that are distinctly ours and which we can connect and identify with. We are glad that we have the support and advocacy partnership with Globe for their anti-piracy campaign to make PPP more meaningful.”

Idinagdag pa ni De Larrazabal na ang #PlayItRight advocacy ng Globe ay laban sa napakatagal nang isyu ang pamimirata ng mga pelikulang Pilipino kaya’t halos wala nang kinikita ang industriya at hirap ang mga producers na mabawi ang kanilang investments sa paggawa ng mga bagong pelikula.

Sa paglulunsad ng Pista ng Pelikulang Pilipino kamakailan, marami ang nagpahayag ng pasasalamat sa inisyatibo ng Globe dahil nailalapit sa masang Pilipino ang mga de-kalidad na pelikulang gawang lokal.

Iba’t ibang genre ang handog ng PPP mula sa mga maipagmamalaking mga pelikula para sa mga tagahanga ng Filipino films. Kasama rito ang romantic films na 100 Tula Para Kay Estella at Paglipay at pati na rin ang mga pelikula na umaantig sa puso tulad ng Hamog, ang romance drama na Pauwi Na, ang kuwento tungkol sa Down Syndrome, Star na Van Damme at ang Triptico anthology. May comedy rin, ang Bar Boys at Patay na Si Hesus. Para sa mahilig sa action movies, panoorin ang AWOL at Birdshot at may horror din na Ang Manananggal sa Unit 23B at ang nakakasindak na Salvage.

Kung nais umiwas sa pagpila sa sinehan, i-download lang ang GMovies App para makabili ng ticket online at piliin ang paboritong pelikula sa PPP. Maaaring ma-download ang GMovies App sa kahit anong Android/iOS na device. May discount na P50 sa bawa’t ticket kung gagamitin ang promo code na PELIKULA. Ang promo ay para sa first time GMovies users, at maaaring gamitin ng isang beses lamang. Ang GMovies ay isa sa mga innovations ng Globe sa pamamagitan ng Digital Ventures, na sumusuporta din sa #PlayItRight para maging convenient sa manunuod ang pagbili ng movie tickets.

Alamin ang screening schedule ng Pista ng Pelikulang Pilipino, pumunta lamang sa www.facebook.com/fdcpppp.