NI: Mars W. Mosqueda, Jr.

CEBU CITY – Ipinahayag kahapon ng negosyanteng si Peter Lim na hindi niya tatakbuhan ang kahit anong imbestigasyong isasagawa sa kanya kaugnay ng sinasabing pagkakasangkot niya sa ilegal na droga, ngunit inaming nababahala siya para sa sariling seguridad.

03082017_PeterLim_Cebu_19_deVela copy

Sinabi ni Lim sa mga reporter sa loob ng kanyang opisina sa Mandaue City nitong Huwebes ng hapon, na ang mga alegasyon sa kanya ay gawa-gawa lamang at walang katotohanan. Aniya, ang pakikipagkita niya sa mga reporter ay nagpapakita lamang na hindi siya nagtatago.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

"Yes, I am. I am scared about my life because of the false accusation. People might think this is true," sinabi ni Lim sa mga reporter.

Gayunman, hindi siya humiling ng mga police escort. Naniniwala, aniya, siyang hindi siya bibigyan ng pulisya ng escort.

"Poor me, I cannot request for it. If I can, I will," aniya.

Sa kanyang mga naunang mga pahayag, paulit-ulit na sinabi ni Lim na hindi umano siya sangkot sa bentahan ng ilegal na droga at ang lahat ng alegasyon sa kanya ay pawang "lies and fabricated".

Naglabas na ang abogado ni Lim ng pahayag at nakasaad dito na bukas ang negosyante sa anumang imbestigasyon laban sa kanya.

Samantala, nagpunta kahapon si dating Cebu City Mayor Michael Rama sa opisina ng Criminal Investigation and Intelligence Division (CIDG) 7 sa Camp Sotero Cabahug.

Kabilang sa mga personalidad na pinangalanan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga, lihim na nagpunta si Rama sa opisina ng CIDG 7 kahapon ng tanghali. Hindi niya sinabi kung ano ang pakay sa naturang pagbisita.

Matapos masangkot ang kanyang pangalan sa krimen, sinabi ni Rama na hindi siya natatakot na sumailalim sa imbestigasyon dahil wala umanong ebidensya na magtuturo sa kanya na may kinalaman siya sa droga.