Laro sa Martes

(Ynares Sports Arena

Quarterfinals Game 2)

4 n.h. -- Marinerong Pilipino vs Tanduay

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NAIPUWERSA ng Marinerong Pilipino ang quarterfinal match-up kontra No.3 seed Tanduay sa ‘do-or-die’ matapos mailusot ang ,74-72, panalo sa Game 2 ng kanilang duwelo sa PBA D-League Foundation Cup.

Nakuha ni Achie Ińigo ang rebound mula sa mintis na freethrow ng kakamping si Renzo Subido para maselyuhan ang panalo at pigilan ang Rhum Masters na makagawa ng disenteng play may 1.6 segundo ang nalalabi.

“We’ve been in this situation before. There were three games na naipanalo namin on the defensive end, and they were able to believe it and we were able to make a stop,” sambit ni Marinerong Pinoy coach Koy Banal.

Nanguna si rookie Robbie Herndon sa naiskor na 16 puntos at 10 rebound, habang kumana si JR Alabanza na may 13 markers at walong rebound.

“That’s what we believe in, that miracles still happen. Our goal is just to make it to the semis and we’ll figure it out when we get there. The boys just gave it all,” sambit ni Banal.

Nakatakda ang duwelo sa Martes ganap na alas-4 ng hapon kung saan ang magwawagi ay makakausad sa best-of-three semifinals laban sa two-seed Cignal HD..

Nanguna sa Tanduay sina Jerwin Gaco na may 14 puntos, limang rebound at dalawang assist at James Martinez na kumana ng 13 puntos.

Nauna rito, Inangkin ng Centro Escolar University ang ikatlong upuan sa semifinals nang pataubin ang Batangas, 81-74.

Nalusutan ng Scorpions ang mabilis na pagbulusok sa final period kung saan nabura ang kanilang 14-puntos na bentahe (67-53) may 8:49 pang nalalabi sa oras matapos itong tapyasin ng Batangas sa tatlo 74-77, may 1:33 na lamang ang nalalabi matapos ang isang follow up shot ni Cedric de Joya.

Iskor:

(Unang laro)

CEU (81) – Casiño 18, Cruz 15, Ebondo 15, Jeruta 13, Aquino 8, Arim 5, Wamar 5, Manlangit 2, Guinitaran 0, Intic 0, Uri 0.

Batangas (74) – Celiz 18, De Joya 16, Ablaza 15, Bautista 7, Gabayni 7, Dela Peña 3, Isit 3, Saitanan 3, Laude 2, Anderson 0, Bulawan 0, Mendoza 0, Ragasa 0, Sorela 0.

Quarters: 28-18, 43-34, 61-50, 81-74.

(Ikalawang laro)

Marinerong Pinoy (74) – Herndon 16, Alabanza 13, Lopez 8, Iñigo 7, Subido 7, Isip 6, Sargent 6, Gabriel 4, Javelona 4, Marata 3, Javillonar 0.

Tanduay (72) – Gaco 14, Martinez 13, Alvarez 12, Palma 7, Eguilos 5, Sollano 5, Varilla 5, Santos 4, Tambeling 3, Taganas 2, Villamor 2, Vigil 0.

Quarters: 15-19, 34-36, 56-55, 74-72.