WASHINGTON (Reuters) – Opisyal nang ipinaalam ng U.S. State Department ang United Nations ang pag-atras nito sa Paris Climate Agreement sa pamamagitan ng isang dokumento na inisyu nitong Biyernes, ngunit nananatiling bukas sa pagsasaayos.

Sa press release, sinabi ng State Department na patuloy na makikiisa ang United States sa United Nations climate change meeting sa kasagsagan ng withdrawal process, na inaasahang magtatagal ng tatlong taon.

“The United States supports a balanced approach to climate policy that lowers emissions while promoting economic growth and ensuring energy security,” base sa press release.

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang kanyang desisyon na umatras sa Paris deal noong Hunyo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina